Ano ang dapat gawin kung sakaling may pumanaw
Ang mga una ninyong hakbang ay depende sa lugar kung saan pumanaw – narito ang dapat gawin, at kung paano kayo masusuportahan ng mga funeral director ng Arimatea Nebulonghi.
Sa tahanan
Habang hinihintay ang pagdating ng aming staff, makipag-ugnayan sa doktor ng pamilya upang mapuntahan niya kayo para sagutan ang kinakailangang dokumento sa pagpapatunay sa kamatayan.
Ihanda ang mga sumusunod:
● Dokumento ng pagkakakilanlan (identity card o pasaporte) at tax code (codice finales) ng inyong mahal sa buhay.
● Inyong sariling dokumento ng pagkakakilanlan (identity card o pasaporte) at tax code (codice fiscale).
Sa isang pasilidad sa pangangalagang pangkalusugan
Walang organisasyon o indibidwal na pinapayagang magrekomenda ng mga funeral director kung hindi naman ninyo ito malinaw na hiniling; para sa mga funeral, ilegal para sa mga funeral director na kumuha ng mga kostumer sa mga pasilidad sa pangangalagang pangkalusugan (Panrehiyong Regulasyon Nob 9 2004 sa mga aktibidad sa funeral at sementeryo: artikulo 31 at 33).
Kung may isang taong lalapit sa inyo upang ialok ang mga serbisyo ng isang kumpanya o ahensya ng funeral, lumalabag sila sa batas. Umiwas sa kanila at, kung naaangkop, iulat ang insidente sa pangasiwaan ng pasilidad sa pangangalagang pangkalusugan.
Ihanda ang mga sumusunod:
● Dokumento ng pagkakakilanlan (identity card o pasaporte) at tax code (codice finales) ng inyong mahal sa buhay.
● Dokumento ng pagkakakilanlan (identity card o pasaporte) at tax code (codice finales) ng kaanak o cohabitant.
Sa isang pampublikong lugar
Mamamagitan kami sa pamamahala sa mga kinakailangang legal na proseso at isasaayos namin ang pagkuha sa pumanaw na tao at ang paghahatid sa pinili ninyong destinasyon.
Paging avaible 24 na oras sa isang araw
Upang mabigyan ng agarang suporta at mapuntahan ng isa sa aming mga kinatawan, sa araw man o gabi, huwag mag-atubiling TUMAWAG SA AMIN.