Mga Funeral
Nag-aalok kami ng iba’t ibang serbisyo at gamit, kasama ng lahat ng benepisyo mula sa mahigit 50 taong karanasan, upang matulungan kayong piliin ang pinakaangkop na funeral para ganap na maipahayag ang inyong mga saloobin at sa huling pagkakataon ay makapagbigay-galang sa inyong mahal sa buhay.
Kabilang sa mga produkto at serbisyong kinakailangan para sa pag-aayos ng funeral sa Milan nang alinsunod sa mga pangangailangan ninyo, nag-aalok kami ng mga mapagpipiliang kabaong para sa lahat ng uri ng libing, mga serbisyo sa transportasyon, at mga pangmemoryal na item. Kabilang sa iba pang tradisyonal na serbisyo ang paghahanda sa lugar ng burol, pagbibihis sa labi, mga serbisyo para sa bulaklak, obituwaryo at mga dekorasyon.
Hindi kasama ang mga gastusing kaugnay ng funeral sa pinapatawan ng VAT at naibabawas na hanggang sa limitasyong itinakda ng batas.
Alinsunod sa aming mga isinaad na pagpapahalaga sa transparency at sinseridad, iniaalok namin ang tatlong uri ng funeral sa Milan at sa kalapit na lugar:
MGA MADALAS NA ITANONG
Ano ang dapat gawin kapag may pumanaw sa isang pasilidad sa pangangalagang pangkalusugan (ospital, klinika o nursing home)
Mananatili ang inyong mahal sa buhay sa ward o silid sa loob ng ilang oras na obserbasyon at pagkatapos ay dadalhin na siya sa morge ng pasilidad sa pangangalagang pangkalusugan. Huwag sumang-ayong makipag-usap sa mga funeral director na imumungkahi ng mga tauhan sa pangangalagang pangkalusugan, at umiwas sa sinumang lalapit sa inyo na nagsasabing may usapan sila ng pasilidad sa pangangalagang pangkalusugan: mga ilegal na kagawian ito sa pagkuha ng transaksyon na nananamantala sa kahinaan ng mga kamakailang namatayan. Hindi dapat magmadali: kakailanganin ninyo ng panahong makapag-isip, at kapag sa palagay ninyo ay handa na kayo, tawagan kami. Ikararangal naming mapakinggan ang inyong mga kinakailangan at, sa aming ilang dekada nang karanasan, makapagbibigay kami ng mga available na mapagpipiliiang pinakaangkop na opsyon. Pagkatapos ng ating pag-uusap, kung nais ninyo, maaari kaming mag-ayos ng personal na pagkikita sa oras at lugar na pinakakumportable para sa inyo.
Ano ang dapat gawin kapag may pumanaw sa tahanan
Maaari kayong makipag-ugnayan sa amin 24 na oras sa isang araw para sa tulong. Maagap kaming mamamagitan upang asikasuhin ang paghahanda ng lahat ng dokumentong kinakailangan ayon sa batas, para sa paghahanda sa labi, para sa transportasyon ng yumaong mahal sa buhay sa itinakdang destinasyon, at para sa pag-aayos ng seremonya ng funeral at libing o cremation.
Mayroon bang bayarin sa munisipyo para sa mga serbisyo ng funeral?
Nakadepende ito sa kung saang munisipyo nakatira. Halimbawa, may mga bayarin sa munisipyo na nauugnay sa mga serbisyo ng funeral para sa mga residente ng Cinisello Balsamo at Sesto San Giovanni sa Milan. Mangyaring tawagan kami para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga potensyal na taripa sa munisipyo.
Posible bang isaayos ang libing ng mahal sa buhay sa sementeryo na nasa labas ng tinitirhang lungsod?
Sa maraming sitwasyon, posibleng ihimlay ang mahal sa buhay sa sementeryong nasa labas ng lugar na tinitirhan ng yumaong mahal sa buhay; gagawin namin ang lahat ng kinakailangan upang matupad ang kahilingang ito, kung iyon ang kagustuhan ninyo.
Mga uri ng libing: cremation, interment, at entombment.
Iniaalok namin ang aming kasanayan upang pinakamahusay na matupad ang inyong mga kahilingan hinggil sa pagpili ng funeral:
- CREMATION Susundan ito ng paglalagak ng abo sa sementeryo, pagkakatiwala sa mga kamag-anak, o pagkakalat ng abo.
- INTERMENT. Sa ganitong sitwasyon, ang mortal na labi na nasa loob ng kabaong, ay ililibing sa ilalim ng lupa, sa sementeryo.
- ENTOMBMENT. Nangangahulugan ito ng paglalagay ng kabaong na may mortal na labi sa loob ng kolumbaryo, isang istruktura na may mga nakalaang nitso.
Maaasahan ninyo kami
24 na oras sa isang araw, 7 araw sa isang linggo, upang mag-ayos ng mga funeral para sa lahat ng panrelihiyong denominasyon at para sa mga sekular na funeral.