Mga iminumungkahing mensahe para sa mga liham ng pakikiramay
Isang karaniwang kagawian ang pagsulat ng liham ng pakikiramay kung mayroong pumanaw na isang taong malapit sa inyo, ito man ay isang miyembro ng pamilya, kaibigan o kasamahan.
Nilalayon sa isang liham ng pakikiramay, o kahit sa isang simpleng mensahe, na magbigay sa mga miyembro ng pamilya ng namayapa ng mensahe ng pagpapalubag ng loob, paghahayag ng pagiging malapit, pakikiisa at pakikiramay sa pagkawala, sa pamamagitan ng mga mensaheng mula sa puso na nakapagpapagaan ng kalooban.
Mas mainam kung maikli, taos-puso at naaangkop sa sitwasyon ang liham ng pakikiramay. Makapagpapalubag sa kalooban ng pamilya ng namayapa ang taos-pusong pagpapahayag ng inyong saloobin. Higit pa rito, higit nilang ipagpapasalamat ang paglalaan ninyo ng panahon para sa aktwal na pagsuporta kung sakaling kailanganin. Kung magpapasya kayong gumamit ng mga pre-printed na kard ng pakikiramay, magandang ideya na magdagdag ng personal na nakasulat-kamay na mensahe o pahayag.
Sa seksyong ito ng site, nangolekta kami ng ilang mensahe na maaaring magamit sa pagsusulat ng liham ng pakikiramay, upang matulungan kayong maipahayag ang inyong suporta.
Sa iyong pagluluksa, ipinapaabot namin ang aming pakikiramay at na mahal at inaalala ka namin.
Inaalala ka namin sa panahong ito ng pagdadalamhati mo.
Karamay mo kami sa pag-alala na hindi na mahihirapan pa si [pangalan ng namayapa]. Hangad namin ang kapayapaan at kalakasan para sa iyo.
Hindi sapat ang mga salita upang maipahayag ang kalungkutan namin sa pagkawala ng iyong mahal sa buhay. Narito kami upang suportahan ka sa iyong pagdadalamhati.
Tanggapin mo ang mga bulaklak na ito bilang taos-puso naming pakikiramay.
Inaalala ka namin at ang iyong pamilya sa panahong ito ng kalungkutan.
Nasa isipan at puso namin kayo ni [pangalan ng namayapa].
Sa iyong pagluluksa, ipinapaabot namin na nasa isipan ka namin at pinahahalagahan namin ang alaala ni [pangalan ng namayapa].
Pakitanggap ang taos-puso naming pakikiramay sa pagkawala ng iyong mahal sa buhay. Narito kami para sa iyo.
Ipinapanalangin namin na mabalot ka ng pagmamahal ng Panginoon sa iyong pagluluksa. Hangad namin ang kapayapaan ng iyong kalooban.