Cremation
Mahigit 50 taon na kaming nag-aalok ng mga serbisyo ng cremation sa Milan at sa kalapit na lugar.
Makakaasa kayo sa amin sa pag-aayos ng marangal na funeral at cremation sa Milan: gagabayan kayo ng aming sinanay na staff sa bawat hakbang sa lahat ng yugto upang matulungan kayong makapagsagawa ng seremonya nang ayon sa inyong mga pangangailangan.
Nabibigyang-daan kami ng aming malawak na karanasan sa sektor na mag-alok sa inyo ng mga kumprehensibo at propesyonal na serbisyo ng cremation. Ganap ninyo kaming maaasahan para sa pangangasiwa ng lahat ng administratibong gawain na iniaatas ng batas, para sa pagkuha ng lahat ng sibikong dokumento na kinakailangan para sa pag-cremate, para sa pag-aayos ng funeral, at para sa kasunod na transportasyon ng kabaong papunta sa crematorium.
Upang matugunan ang lumalaking demand para sa mga cremation, ginagamit namin ang crematorium sa Lambrate sa Milan, ang sampung crematorium sa rehiyon ng Lombardy, at ang mga crematorium sa Piedmont sa Bra (sa lalawigan ng Cuneo) at Valenza at Serravalle Scrivia (sa lalawigan ng Alessandria). Maaaring isagawa ang cremation sa pampubliko o pribadong crematorium. Inirerekomenda namin ang simpleng kabaong na gawa sa pine para sa cremation.
Maaaring ilagay sa isang nitso sa alinmang sementeryo sa Milan, o ipagkatiwala sa isang miyembro ng pamilya ang abong makukuha mula sa proseso ng cremation. Maaaring humiling ng kustodiya sa abo ang taong nanomina ng namayapa, ang asawa o kaanak na nasa 6th degree. Upang makuha ang kustodiya sa abo, isusumite namin ang mga kinakailangang kahilingan sa mga nauugnay na opisina ng munisipyo sa ngalan ninyo.
Kung nais ninyong ikalat ang abo, ibibigay ng aming staff ang lahat ng kinakailangang sibikong dokumento. Maaaring gawin ang pagkalat ng abo sa sementeryo, sa kalikasan – halimbawa ay sa karagatan, lawa, ilog, kakahuyan at kagubatan – sa pribadong ari-arian. Maaaring ang asawa o ibang miyembro ng pamilya ang maging responsable sa pagkakalat ng abo. Ang pagkakalat ng abo ay maaari ding isagawa ng pampublikong ospiyal, taong inatasang magpatupad ng habilin, o legal na kinatawan ng asosasyon sa cremation kung saan nakarehistro ang namayapa.
MGA MADALAS NA ITANONG
Paano ako hihiling ng cremation?
Maaaring humiling ng cremation sa Italy sa pamamagitan ng pagpapahayag ng intensyong ito sa habilin, kusang-loob na paghahayag ng pasyang ito sa mga pinakamalapit na kaanak habang nabubuhay pa, o pagsali sa isa sa mga non-profit na organisasyon na nagtatala ng mga intensyon ng mga taong gustong ma-cremate.
Gaano kalaganap ang cremation sa Milan?
Sa Italy, ginagamit ang cremation sa humigit-kumulang 8-10% ng mga sitwasyon, at lumalaganap na ang paggamit nito sa buong bansa. Sa Milan, ang funeral na may cremation ang pinipili sa mahigit sa 50% ng mga sitwasyon.
Ano ang cremation?
Ang cremation ay alternatibo sa entombment o interment. Binubuo ito ng pagsunog sa mortal na labi ng namayapa upang maging abo at pagkatapos ay ilalagay ang abo sa isang cremation urn, na pagkatapos ay maaaring ilagay sa sementeryo, itago sa bahay ng mga kaanak ng mahal na namayapa, o ikalat sa kalikasan.
Funeral na may cremation
Maaasahan ninyo kami para sa mga serbisyo ng funeral na may cremation sa Milan at sa kalapit na lugar: huwag mag-atubiling TUMAWAG SA AMIN para sa higit pang impormasyon.