Mga serbisyo ng funeral sa MilanÂ
Nagsisimula ang aming mga serbisyo ng funeral sa sandaling pumanaw ang inyong mahal sa buhay at kasama rito ang mga sumusunod na yugto:
1. Pagpili ng funeral director at pagtatalaga ng responsibilidad
Makikipag-ugnayan sa funeral director ang pamilya at ibibigay nito ang kinakailangang impormasyon, gaya ng lugar kung saan pumanaw, uri ng seremonyang napili at lokasyon at pamamaraan ng libing o cremation, kung saan ibabatay ng mga funeral director ang tinatayang presyo.
Dapat ay malinaw na tinutukoy sa tinatayang presyo para sa funeral ang lahat ng kabilang sa presyo, kasama ang anumang bayarin sa munisipyo, kung naaangkop. Lubos na nag-iiba-iba ang mga bayarin sa munisipyo at depende ang mga ito sa tinutukoy na munisipyo, napiling uri ng paglilibing, sementeryo kung saan gagawin ang paglilibing, at lokasyon sa loob ng sementeryo.
Ini-invoice ng aming kumpanya ang lahat ng halaga ng gastusin sa munisipyo (gaya ng mga concession sa sementeryo, bayarin sa munisipyo at pagkuha ng opisyal na dokumento), nang walang ipinapataw na anumang karagdagang halaga.
Kapag pormal nang tinanggap ang pagtataya, magagawa na ng mga kaanak ng mahal sa buhay na ipasa ang responsibilidad sa amin para sa tungkulin ng pagsasagawa ng lahat ng aktibidad na nauugnay sa pagpanaw at sa pagsasagawa ng seremonya ng funeral.
2. Pagbibihis at cosmetology para sa funeral
Maaari ninyong isagawa ang pagbibihis sa labi o maaari ninyo itong ipagawa sa aming punerarya, kung saan ihahanda ng aming sinanay na staff ang labi ng yumaong mahal sa buhay nang alinsunod sa kinakailangang wastong asal.
Aasikasuhin namin ang inyong mahal sa buhay, at gagawing natural ang hitsura ng mahal na yumao, na para lang siyang natutulog. Kinakailangan ang mga pamamaraang iyon upang maihanda ang katawan para sa pagtingin ng mga kaanak at kaibigan.
3. Paghahanda sa lugar ng burol
Ihahanda namin ang silid kung saan ibuburol ang inyong mahal sa buhay bago ang libing o cremation.
Depende sa inyong mga kahilingan, ihahanda namin ang lugar ng burol sa pribadong tahanan o sa ibang itinalagang silid (sa punerarya, ospital o klinika). Ang lugar ng burol ay ang lugar kung saan maaaring bisitahin ng mga kaanak at kaibigan ang namayapa upang sa huling pagkakataon ay makapagbigay-galang sila rito.
Alinsunod sa mga kahilingan ng pamilya, maglalagay kami sa lugar ng burol ng mga tela, ilaw, dekorasyong bulaklak, upuan, at lahat ng kinakailangan upang makalikha ng panatag at payapang atmospera para sa mga bumibisitang kaanak at kaibigan.
4. Iskedyul ng mga serbisyo
Ikokoordina namin ang mga oras, lugar at mga pamamaraan para sa funeral at kasunod na paglilibing o cremation sa mga pangsibil at panrelihiyong awtoridad.
5. Transportasyon
Ihahatid ang inyong mahal sa buhay ng aming staff gamit ang aming sasakyan, mula sa lugar kung saan pumanaw papunta sa lugar ng burol, at mula roon papunta sa lugar kung saan isasagawa ang serbisyo ng funeral, at papunta sa lugar ng paglilibing o cremation.
6. Pangwakas
Matatapos ang seremonya sa paghahatid sa huling hantungan ng namayapa.
Ang namayapa ay maaaring ihimlay sa ilalim ng lupa (interment) o sa kolumbaryo o puntod ng pamilya (entombment).
Bilang alternatibo, maaaring i-cremate ang katawan ng namayapa at pagkatapos ay ilagay ang abo sa isang nitso sa sementeryo, ipagkatiwala ito sa pamilya, o kaya ay ikalat ito.
Makipag-ugnayan sa amin 24 na oras sa isang araw
Para sa agarang tulong sa pag-aayos ng serbisyo ng funeral sa Milan at sa kalapit na lugar, huwag mag-atubiling TUMAWAG SA AMIN.